REHABILITASYON NG LAWA NG LAGUNA PRAYORIDAD NG BAGONG GM
alauan Laguna--- Inihayag ng bagong General Manager ng Laguna Lake Development Authority at Presidential Adviser for Environmental Protection na si Secretary Nereus Acosta sa kanilang ginanap na dialogo kanina sa (Oct 10) sa pagitan ng mga environmental NGO, representatives ng green convergence, at representatives mula sa Bay, Calauan river rehabilitation and protection council na panahon na upang magkaroon pagbabago at rehabilitasyon sa lawa ng Laguna.
Binigyang diin nito na mayroon siyang mandato mula kay Pangulong Noynoy Aquino na magkaroon ng transpormasyon sa Laguna de Bay tulad na lamang ng paglilimita sa mga naglalakihan at nagdadamihang mga fish cages, pagpapasara sa mga pabrika na nagdudulot ng polusyon sa tubig ng lawa, paglilinis sa mga basura at pagpapalipat sa ibang tahanan ng mga settlers.
Dagdag pa ng kalihim prayoridad nito na makabili ng mga makabagong kagamitan na magagamit sa pagsusuri sa kondisyon at tubig ng lawa, matatandaang pinagaaralan na ng ahensiya kung posible bang magamit ang tubig ng lawa sa pangangailangan ng mga milyong residente sa National Capital Region.
"...Alangan namang mag-enforce ka wala ka namang basehan, so kung hindi matibay at mas upgraded ang mga equipment sa mga laboratory sa water analysis mo d'un sa mga tinatawag na automated telemetric kahit malayo makikita mo 'yung resulta at 'yung datos" ani Acosta.
Bukod dito sinabi pa ni Secretary Neri ang plano nilang makapagpatayo ng sariling establisimyento na tatawagin nilang green building, aniya mahirap mag-umpisa ng isang institusyon kung wala kang tiyak na tahanan at palipat lipat lang. Inihayag din niya na nakipagusap na siya kay Budget and Management Secretary Florencio Abad tungkol sa inisyal na pondong kailangan niya sa pagbili ng mga makabagong kagamitan at sa pagpapatayo ng kanilang building na nagkakahalaga ng isang daang milyong piso.
"...Humingi agad tayo kay Secretary Abad 'yun nga upgrading sa science una yan eh yun ang priority tapos yung pangalawa dahil wala pang sariling opisina ang LLDA umuupa lang kami hanggang ngyon, paano magiging matibay ang institusyon mo kung palipat lipat"
Kompiyansa siya na bago matapos ang taong ito ay maaaprubahan ang nasabing halaga ng pangulo. Samantala nilinaw din ng kalihim kanina sa LLDA Complex na hindi pabor ang pangulong aquino sa panukalang paghuhukay o dredging sa lawa lalo nat gugugulan ito ng hindi birong halaga